Baguio City Day#118
Kumusta na ako?
Everything's okay.
ulo o kaya mahiwa ng kutsilyong may kalawang itong mga daliri ko, alam mo na, expect the worst.
My family's okay, job's okay, lovelife? Ayus na ayus. Minsan nag-aaway kami kung anong mas masarap, Milo ba o Ovaltine (Milo ako), pero bukod dun, ayus naman.
Sa April 2006, review na niya para sa bar, sa Diliman siya magre-review kaya ngayon pa lang iniisip ko na, sasama ba ako sa Maynila o magpapa-iwan dito? Bukod sa issue na yan, ayus naman kami.
Anyway, sabi ko nga, okay ako ngayon. Hindi na ako iyakin tulad nung January-March. Nakakabilib, kasi, totoo ang tsismis: magiging maayos din ang lahat.
Tag-ulan na! At kung kilala mo ang Baguio, alam mo kung paano ang buhay dito kapag tag-ulan: sobrang ginaw, sobrang dulas at sobrang romantic.. hehe. Plano namin ni Jang bumili ng raincoats, yung transparent, tapos maglalakad kami sa Session Road nang naka-raincoat lang, feeling kasi namin cute yun, haha. Tsaka, naku-kyutan ako sa mga batang naka-raincoat, gusto ko maging cute din kami ni Jang, hehe.
Sa ngayon, ito ang mga gusto ko:
1. makapag-ipon para sa isang cheap second-hand laptop, CD writer, bagong digicam, scanner, photography equipment, kotse, bahay at lupa, beach resort.. haha, joke.
2. pulang sapatos
3. makapunta sa Morocco, Lebanon, Maldives, Ilocos Norte/Sur, Dumaguete at Sagada etcetera
4. magsulat forever and ever amen
5. maging masaya most of the time
6. maalagaan ang pamilya ko
7. manalo sa isang contest, kahit anong contest, kahit mga P10,000 lang o kaya oven toaster
8. magkaroon ng Meteor Garden shirt, aba, 10 years from now ay collector's item na ito, winner
Mababaw lang naman ako. Alam mo ba, nung nagbakasyon ako sa Maynila, parang ayoko na bumalik dito sa Baguio, sobrang na-miss ko kasi sila. E di ba nagkasakit pa ako, e nung mga panahong yun nasa Ilocos si Jang kaya kung aakyat ako dito, walang mag-aalaga sa akin (naks, ang arte naman, haha), kaya naisip ko, "dito (sa Maynila) na lang muna ako, kasi andito ang Nanay at Kuya ko," yung ganun..
So, kumusta na ba talaga ako? Halos kalahating taon na ako dito sa Baguio, may napala na ba ako? Siguro..
Sa totoo lang, nalilito pa rin ako, pero hindi na ako malungkot, hindi rin naman ako masaya (yung tipong masayang-masaya), marami pa akong gustong malaman, puntahan, itanong, labanan, pangibabawan.. takot pa rin ako. Sa kabilang banda, marami na rin naman akong nadiskubre.. at isa sa mga ito ay na kaya ko pala, KAYA KO PALA. Kaya kong mag-isa, kaya ko.
Ang kalaban ko lang talaga, sarili ko.. tsaka yung paminsan-minsang pagtatanong ng: PARA SAAN BA TALAGA ITO? Napakadaling iwan ang lahat ng ito at umuwi na lang, sabi nga ni Mama, "bakit hindi ka na lang mag-stay dito (sa Maynila)?" Bakit nga ba? Pakisagot nga.
Tapos, nami-miss ko na talaga ang Papa ko. Alam mo ba na kasing-haba na ng buhok ni Bo Bice ang buhok niya ngayon? Ayaw niya kasi ng mga barbero sa Las Vegas, hindi raw malinis gumupit. Yun nga lang, hindi pa siya nagpapadala ng litrato, kaya clueless kami kung anong itsura niya ngayon. Miss na miss ko na siya, umalis siya nung November 2003, isang litrato pa lang ang pinadala niya.
Hindi naman siya nakakalimot, birthday, anniv, Pasko, Bagong Taon, etcetera, pero iba pa rin yung andito siya sa Pinas. Nahihiya man akong sabihin sa Internet, pero, naiiyak na ako ngayon sa sobrang pagka-miss sa kanya, hindi ko pa ito sinabi kay Jang, pero.. gustong-gustong-gusto ko nang makita ang Papa ko. Bakit kailangang magtrabaho sa ibang bansa? Bakit ko pa ito itinatanong e alam naman na natin ang sagot.
Tapos, ang dami ko nang hindi nasusubaybayan sa Maynila, tulad ng mga basketball games ni Kuya, siya ang bestest basketball player sa buong mundo.. Nung high school siya, pangarap niyang makapasok sa PBA, pero ngayon, pangarap na niyang maalagaan ng mabuting-mabuti ang pamilya niya. The best ang Kuya ko. Pangarap ko para sa kanya, makapag-asawa siya, magkaroon ng maraming anak (kasi swerte ang mga magiging anak niya), hindi ko na iwi-wish na maging pinakamagaling na basketball player siya, kasi, naabot na niya yun. Eto siya in action:

So yun nga, ayus ako ngayon. Sana lang wag ako biglang masagasaan ng ten-wheeler truck o kaya ma-hold-up ng isang lalaking bungi, basta. Mahal na mahal ko ang Maynila, pero mahal na mahal ko rin ang Baguio.
Everything's okay.
Well, almost.
Natatakot nga ako baka biglang mahulugan ako ng hollow block/s saulo o kaya mahiwa ng kutsilyong may kalawang itong mga daliri ko, alam mo na, expect the worst.

Eto naman siya kapag Kuya ko siya:

Isa pang ikinalulungkot ko e hindi ko rin masubaybayan ang kapatid kong bunso. Eto siya ngayon, sabi niya, rakista daw siya, Punk ba: (Punk's not dead!)

Eto naman siya sa kanyang usual mode, yung tipo ng kapatid na nagsasabi ng "Ate, bili mo kong load." Tinatawag ko rin itong chummy mode niya, dahil kahit rakista na siya at kahit nasa phase siya ngayon kung saan wala siyang ibang alam na kulay kundi itim, little brother ko pa rin siya (at wala siyang magagawa tungkol dun).

Yan, yan ang mga nami-miss ko. Isama mo na ang kape at menudo ng nanay ko. Napupurga na ako sa KFC, Mcdo, Jollibee at kung anu ano pa, hindi naman kasi ako magaling magluto -- bigas, hotdog, Lucky Me pancit canton, sinigang, tinola, instant noodles, spaghetti noodles (pwera sauce), sinampalukan at itlog lang ata ang kaya ko? Note to self: Kailangan nang mag-aral magluto.
So yun nga, ayus ako ngayon. Sana lang wag ako biglang masagasaan ng ten-wheeler truck o kaya ma-hold-up ng isang lalaking bungi, basta. Mahal na mahal ko ang Maynila, pero mahal na mahal ko rin ang Baguio.
Mahaba na ito. Ikaw, kumusta ka na?

7 Comments:
At Wednesday, June 01, 2005 1:50:23 PM, Anonymous said…
don't know how you do it, but you seriously kick ass.
At Wednesday, June 01, 2005 5:04:15 PM, Anonymous said…
makapag-ipon para sa isang cheap second-hand laptop, CD writer, bagong digicam, scanner, photography equipment, kotse, bahay at lupa, beach resort..
dyoskopo!
pero seriously.. parang alam ko ata yung bball court na yun ah.. ehehe
punks not dead!! - gary
At Wednesday, June 01, 2005 5:55:05 PM, N said…
glad to know na mabuti ka :). ayos lang din ako. salamat sa pag-tanong. hehehe!
ps
ako rin gusto ko ovaltine pero walang ovaltine dto eh, puros milo lang.
At Wednesday, June 01, 2005 9:53:49 PM, DeN said…
hoy kat! sana magkita tayo pag-akyat namin hehe
good to hear na okay ka naman diyan. wag ka mag-alala, sabi mo nga totoo ang chismis: magiging maayos din ang lahat.
sabi nga ni jover dati: ang buhay parang gulong....
nasusunog
:D
At Thursday, June 02, 2005 12:31:56 AM, marian said…
ako, eto...ISANG MALAKING BUM. mahirap pala grumadweyt. napipilitan tumunganga :) mabuti naman okei ka diyan kat. hihingi ako ng advice *though is that a good idea?* haha...bum ako! help!
At Wednesday, June 08, 2005 9:40:35 AM, slither dude said…
kung di bungi... ok lang? Ü
At Thursday, June 09, 2005 12:44:54 PM, Kat said…
Moks, ayoko pa rin ma-hold up kahit hindi bungi yung holdupper, at bakit ko pinatulan ang tanong mo? Hehe.
Post a Comment
<< Home